^

Bansa

Dahil sa trapik, toll fee sa SLEX bawasan!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa trapik, toll fee sa SLEX bawasan!
Ayon kay Poe, hindi masamang kaltasan ang toll rate dahil kalbaryo ang inaabot ngayon ng mga sasakyang dumadaan sa SLEX.
Russell Palma/File

MANILA, Philippines — Pinababawasan ni Sen. Grace Poe ang toll rate sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa matinding trapik na nararanasan ng mga motorista.

Ayon kay Poe, hindi masamang kaltasan ang toll rate dahil kalbaryo ang inaabot ngayon ng mga sasakyang dumadaan sa SLEX.

“Motorists deserve to pay less for the trouble the gridlock is causing due to the extension project. Sa mala-prusis­yong usad ng trapiko dahil dito, masama bang hilinging kaltasan ang toll sa mga motorista?” ani Poe. 

Sa traffic advisory, isinara ang Lane 3 sa northbound o ang outermost lane ng SLEX pagkaraan ng Alabang Viaduct sa Muntinlupa City simula noong Set­yembre 24 dahil sa kons­truksiyon ng 6-km extension ng Skyway mula Barangay Cupang hanggang Susana Heights. 

Ipinunto ni Poe na nagbabayad ng toll ang mga motorista upang mapabilis ang biyahe.

“Nagbabayad tayo ng toll dahil gusto natin ng mabilis na biyahe, kaya nga expressway. Pero ngayon, 28 kilometro ang ginagapang ng ating mga kababayan araw-araw,” sabi ni Poe.

 

vuukle comment

SLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with