^

Bansa

Panibagong voter’s registration pinag-aaralan ng Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Panibagong voter�s registration pinag-aaralan ng Comelec
Nabatid na nagtapos nitong Setyembre 30, 2019 ang dalawang buwang registration period na hindi na pinalawig subalit marami umano ang mga natatanggap na reklamo na sa sobrang dami at haba ng pila ay hindi na sila umabot sa pagpapatala.
File

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang muling pagbubukas ng voter’s registration period dahil sa posibilidad na walang magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Ito’y kasunod na rin ng pag-apruba ng Senado na ipagpaliban ang nasabing eleksiyon.

“Pag-aaralan na ngayon ‘yung posibleng pagbubukas ng panibagong registration period nang mas maaga dahil mukhang wala tayong poproblemahing barangay elections next year,” ayon kay Comelec spokesman James Jimenez.

Nabatid na nagtapos nitong Setyembre 30, 2019 ang dalawang buwang registration period na hindi na pinalawig subalit marami umano ang mga natatanggap na reklamo na sa sobrang dami at haba ng pila ay hindi na sila umabot sa pagpapatala.

Nasa 2.5 milyon ang bagong nagpatala para maging botante.

Ang BSKE ay nakatakda sanang idaos sa Mayo 11, 2020 ngunit inaprubahan ng Senado ang Senate Bill 1043 na nagpapaliban nito sa Disyembre 5, 2022.

Kung tuluyan itong maisasabatas, dalawa ang halalang isasagawa sa naturang taon, kabilang pa ang presidential polls, kaya’t kailangan umanong magbukas ng panibagong voter’s registration.

 

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with