^

Bansa

3 buwang sanggol 'kinakitaan ng sinyales ng polio' sa Cotabato City

James Relativo - Philstar.com
3 buwang sanggol 'kinakitaan ng sinyales ng polio' sa Cotabato City
Sa ulat ng The STAR, sinabing kasalukuyang naka-confine ang sanggol sa Cotabato Regional and Medical Center.
Wikimedia Commons/Marko Dalisay

MANILA, Philippines — Matapos ang naitalang polio cases sa ilang bata sa Lanao del Sur at Laguna, isa na namang pinaghihinalaang kaso ng poliovirus ang umalarma sa mga kinauukulan.

Kinumpirma ng Department of Health-12 ngayong Huwebes na isang tatlong-buwang-gulang na sanggol ang kinakitaan ng mga sinyales ng poliovirus infection.

Sa ulat ng The STAR, sinabing kasalukuyang naka-confine ang sanggol sa Cotabato Regional and Medical Center.

Naka-quarantine ngayon ang bata at paulit-ulit daw na nakararanas ng lagnat at pagkaparalisa ng isang paa, ayon kay DOH-12 information officer Jenny Panizales.

Dagdag pa ni Panizales, nagsasagawa na rin ng mga pagsusuri kung nakakuha nga poliomyelitis ang paslit.

Mino-monitor na ang iba't ibang suspected cases sa buong bansa, ngunit sinabi ng DOH na dalawa pa lang din ang kumpirmadong vaccine-derived poliovirus sa mga ito.

"Wala pang dagdag na confirmed cases, 'yung kumpirmado pa lang ay 'yung sa Lanao at Laguna," sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo sa Inggles.

Dumadaan na rin sa pag-aaral ang nabalitang pitong batang may Acute Flacid Paralisis mula sa Zamboanga peninsula, at tinitignan kung polio na it: "But so far, sa lahat ng AFP cases, dalawa pa lang ang kumpirmadong [polio]." 

Taong 2000 nang ideklarang "polio-free" ng World Health Organization ang Pilipinas sa tulong ng tuloy-tuloy na immunization program.

Sa kabila ng mga panibagong kaso, inilinaw kahapon ni Rabindra Abeyasinghe, acting representative ng WHO sa Pilipinas, na polio-free pa rin ang bansa sa ngayon.

"Nananatiling polio-free ang Pilipinas, dahil kapag sinasabi 'yan ng WHO, ang ibig natin sabihin ay wala pa rin tayong 'wild polio virus,'" pagpapatuloy ni Abeyasinghe.

Huling nagkaroon ng wild polio sa Pilipinas noong 1993. — may mga ulat mula kay John Unson

vuukle comment

COTABATO CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with