Problema sa Dito at AFP memo tinukoy
MANILA, Philippines – Inisa-isa ng mga kongresista ang kinakaharap na problema sa lalagdaang memorandum sa pagitan ng Dito Telecommunication at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Magdalo Rep. Manny Cabochan at minority bloc member Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr, kabilang rito ay ang kasunduan ng dalawa na magtayo ng pasilidad sa loob ng military camps, pangalawa ay ang plano ng United States Department of Justice na i-block ang undersea data cable na nag durugtong sa Los Angeles at Hongkong subalit lalabas na isa sa vital start up infastructure ng Dito.
Naniniwala naman si Cabochan, na isa rin dating Philipine Navy Officer na security concern ng US government ang 12,800 kilometer, cross-Pacific data cable na maaaring magkonekta sa isa sa pangunahing siyudad na kalaban ng China ang Special Administrative Region sa Hongkong.
Kahit na wala rin umanong kahit isang cell site, ay umaasa pa rin ang Dito sa subsea cable project ng Pacific Light Cable Network (PLCN) para masimulan ito sa bansa bilang ikatlong Telco at para makipag kumpetensya sa establisyementong players tulad ng Globe Telecom at PLDT.
- Latest