^

Bansa

Paglikha ng PMA graduate '6 na beses mas mahal' kaysa pagpapatapos sa UP

James Relativo - Philstar.com
Paglikha ng PMA graduate '6 na beses mas mahal' kaysa pagpapatapos sa UP
Ayon kay Sen. Ralph Recto, aabot kasi ng P2.982 milyon ang kakailanganin para makapagpatapos ng PMA graduate kumpara sa P507,000 na kailangan ng isang taga-UP na may kursong aabot ng apat na taon.
The STAR/Andy Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Anim na beses na mas mahal — 'yan ang diperensya ng paglikha ng isang graduate ng Philippine Military Academy sa Unibersidad ng Pilipinas, paglalahad ng isang senador ngayong Martes.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, aabot kasi ng P2.982 milyon ang kakailanganin para makapagpatapos ng PMA graduate kumpara sa P507,000 na kailangan ng isang taga-UP na may kursong aabot ng apat na taon.

"[A]ng mga PMA cadet ay 'investment ng sambayanan,' mga taong pagkakatiwalaan natin para depensahan ang Republika," sabi ni Recto sa pahayag na magkahalong Inggles at Filipino.

"Bawat isa sa kanila ay mahalaga."

Ibinase ito ni Recto sa  pondo ng PMA sa nakalipas na apat na taon at naiulat na bilang ng kadeteng pumasok doon.

Apat na taon ang karaniwang iginugugol ng isang plebo sa military school.

Ang isang taon ng isang kadete ng PMA ay nagkakahalaga ng P745,500 sa kabuuan — mas mahal pa sa P507,000 na kailangan ng taga-UP sa buong paglagi nila sa eskwela.

Sa kabila nito, hindi nanggagaling sa pamilya ng mga taga-PMA at UP ang kabuuang gastusin na kailangan dahil sa subsidyo ng gobyerno.

"'Iskolar ng Bayan' din ang mga PMA cadet, na pinag-aaral ng buwis ng taumbayan," sabi pa ni Recto.

Nasayang na pera't kinabukasan

Inilabas ang datos matapos masawi ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio bunsod ng hazing noong ika-18 ng Setyembre.

Ang pagkamatay ni Dormitorio, na idinulot ng karahasang tila kultura na sa institusyon, ay ikinalungkot ni Recto at ng iba't ibang sektor.

"Kung gusto mong mag-drop out, dapat sa sarili nilang kapasyahan, hindi dahil ini-stretcher ka mula sa ospital o morge," dagdag ng mambabatas.

Aniya, dapat itransporma ng PMA ang kanilang pagluluksa sa paghahanap ng katarungan para sa 20-anyos na biktima.

Kanina, naghain na ng kanyang resignation si Lt. Gen. Ronnie Evangelista, ang superintendent ng PMA, kasunod ng pagkamatay ni Dormitorio.

"Mali para sa isang kadete na mamatay sa kamay ng kapwa kadete. Mali ang pagmamaltrato sa PMA," ani Evangelista.

vuukle comment

HAZING

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

RALPH RECTO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with