^

Bansa

Sen. Go sa publiko ‘Bakuna vs polio huwag katakutan’

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sen. Go sa publiko �Bakuna vs polio huwag katakutan�
Kaya naman hinikayat ng senador ang publiko na regular na bumisita sa mga health center upang makakuha ng libreng bakuna para na rin sa kaligtasan ng kanilang kalusugan.
File

MANILA, Philippines — Tinanong ukol sa paglitaw muli ng sakit na polio sa bansa, inihayag ni Senator Bong Go na laging nakahanda ang pamahalaan upang proteksyonan ang kalusugan ng mamamayan sa pagsasabing istrikto ang gobyerno sa pagpapatupad ng national mandatory immunization program. 

Kaya naman hinikayat ng senador ang publiko na regular na bumisita sa mga health center upang makakuha ng libreng bakuna para na rin sa kaligtasan ng kanilang kalusugan.

“Hindi lang po sa polio, maraming mga vaccination program ang gobyerno na libre naman po. Nakikiusap po ako magtiwala po tayo sa ating programa. ‘Wag matakot. You may avail it,” dagdag ng senador.

Simula noong 2000 ay idineklara nang polio-free ang Pilipinas. Huling nagkaroon ng polio virus noong 1993.  

Ngunit kamakailan, kinumpirma ng Department of Health na may dalawang nabiktima na naman ng polio. Sinasabing magkaroon lamang ng isang kaso ng nasabing sakit ay idinedeklara na ang outbreak.

Samantala, itinuturo ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa bakuna kaya bumalik ang sakit na Polio sa bansa.

Sinabi ni Garin na, dahil sa mga umaastang eksperto sa Dengvaxia, kaya tumaas ang bilang ng mga natatakot o nag-aalinlangan nang magpabakuna.

Pinalabas umano nila sa media na dapat katakutan ang epektibong bakuna na ngayo’y ginagamit sa 21 bansa kasama na ang Estados Unidos at European Union.

Bukod dito, nakukumpromiso din umano  ang school immunization program habang mas pinipili na ng mga magulang na huwag magpunta sa doktor at sa barangay health centers kaya nagresulta ito sa outbreaks tulad ng tigdas, Japanese encephalitis, dengue at ngayon ay polio.

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with