^

Bansa

SWS: 'Laganap na droga, tulak' numero unong sanhi ng diskuntento sa drug war

James Relativo - Philstar.com
SWS: 'Laganap na droga, tulak' numero unong sanhi ng diskuntento sa drug war
Sa Balance Luzon (34%), Visayas (65%) at Mindanao (39%), pare-parehong "drug trade/drug suspects are still prevalent" ang nangungunang dahilan ng pagkadismaya sa war on drugs.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pinatinding kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga, kalakhan ng mga hindi natutuwa rito ang nagsasabing hindi ito epektibo sa pagsawata ng iligal na aktibidad, ayon sa Social Weather Stations na inilabas kahapon.

Sa Balance Luzon (34%), Visayas (65%) at Mindanao (39%), pare-parehong "drug trade/drug suspects are still prevalent" ang nangungunang dahilan ng pagkadismaya sa war on drugs.

Naiiba lamang ito sa Metro Manila, kung saan "too many killings" (39%) ang dahilan ng pagkadiskuntento sa kampanya ng gobyerno.

Katulad ng sa Metro Manila, kapantay ng pagkalaganap ng droga at drug suspects ang dami ng patayan (34%) na sanhi ng dissatisfaction sa Balance Luzon.

Sa lahat ng lugar, ang "drug trade/drug suspects are still prevalent" din ang pinakamayor na dahilan kung bakit hindi hindi makapagbigay ng palagay ang kalakhan ng Pilipino tungkol sa drug war.

Sa kabila nito, pinakamarami pa rin ang natutuwa sa war on drugs kung titignan ang kabuuan ng sample size: 

  • satisfied (82%)
  • dissatisfied (12%)
  • undecided (6%)

Isinagawa ang pag-aaral sa ikalawang kwarto ng 2019, mula ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo, sa harapang panayam ng 1,200 katao sa buong bansa.

Nakatakdang magsagawa ng "comprehensive international review" ang United Nations Human Rights Council kaugnay ng war on drugs ng Pilipinas kasunod ng resolusyong inihanda ng Iceland.

Dadaluhan naman ito ng ngayong buwan 11 human rights defenders, faith leaders at kamag-anak ng mga namatay upang makapagbigay ng mga testimonya.

Kasalukuyang tinatanggihan ni Duterte ang anumang ayuda, sa porma ng pautang at grant, na magmumula sa 18 bansa na bumoto pabor sa resolusyon ng Iceland.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL WEATHER STATIONS

UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with