^

Bansa

Nationwide strike ng jeepneys ikakasa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Nationwide strike ng jeepneys ikakasa
Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Efren de Luna, national president ng ACTO, pangunahin nilang hinaing ang palpak o hindi epektibong transport modernization program ng pamahalaan na pilit isinusubo sa mga tsuper at operators ng jeepneys.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Tuloy ang nationwide strike ng mga kasapi ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na ikakasa sa Setyembre 30.

Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Efren de Luna, national president ng ACTO, pangunahin nilang hinaing ang palpak o hindi epektibong transport modernization program ng pamahalaan na pilit isinusubo sa mga tsuper at operators ng jeepneys.

Ayon kay de Luna, sinunod na nila ang lahat ng rekisitos na hiningi ng Department of Transportation, LTO at LTFRB gaya ng pagtatayo ng kooperatiba, pagsurender sa individual franchise at pagtatayo ng sariling depot para sa 100 units gayong walang available na lupa na maaari nilang paglagyan ng kanilang depot.

Kung isusurender naman nila ang individual franchise, wala aniyang katiyakan kung maibabalik pa iyon dahil ngayon pa lamang ay naipamamahagi na sa mga bagong aplikante.

Dinagdag ni de Luna na sa naturang programa ay lalo lamang mababaon sa pagkakautang o lending institutions ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan para sa pagsasamoderno ng kanilang mga sasakyan lalo na at lugi sila sa taas ng halaga ng unit ng mga modernized jeepney.

Kailangan din aniyang tingnan ng gobyerno ang  kalagayan ng mga operator sa mga probinsiya na hindi naman kailangan ang mga de-aircondition na sasakyan lalo na at maraming puno, malamig ang hangin at karamihan ay nakapaligid sa mga bundok na hindi katulad sa urban cities gaya ng Metro Manila.

 

vuukle comment

JEEPNEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with