^

Bansa

Matatanda at may sakit na preso bigyan ng gamot - Sen. Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Matatanda at may sakit na preso bigyan ng gamot - Sen. Go
Kinausap ni Go si DOH Sec. Francisco Duque at nangako naman ang kalihim na magpapadala agad ng mga gamot sa naturang bilangguan kabilang na ang mga “maintenance medicine” at dialysis machine para sa mga matatanda at may sakit na inmate.
Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Inatasan ni Sen. Bong Go ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na bigyan ng gamot at padalhan ng dialysis machines ang mga matatanda at may sakit na preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Go, chairman ng Senate Committee on Health, ay nagsabing kalunos-lunos ang kalagayan ng mga bilanggo na tunay na may karamdaman na walang pampagamot dahil sa kahirapan sa buhay.

“Ang problema pa, walang mga gamot at kumpletong gamit ang infirmary ng NBP sa Muntinlupa kaya hindi nagagamot ang sakit nila na karaniwan ay ipinapasa Diyos na lamang nila,” ayon kay Go.

Kinausap ni Go si DOH Sec. Francisco Duque at nangako naman ang kalihim na magpapadala agad ng mga gamot sa naturang bilangguan kabilang na ang mga “maintenance medicine” at dialysis machine para sa mga matatanda at may sakit na inmate.

“Sila ang mga dapat at tunay na nasa ospital para magamot at hindi yung mga high profile inmate at mga drug lords ang binibigyan ng hospital leave para lang makalabas ng kulungan at magpasarap doon,” pahayag pa ng senador.

“Mga tao din ang mga ito na nagkasala at binabayaran o nabayaran na nila ang kanilang utang sa lipunan kaya marapat din lamang na gamutin at tulungan din sila ng estado,” ayon kay Go.

Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay kinausap na rin si Sen. Go para bilisan ang pag-review sa pagbibigay ng “parole” sa mga matatandang bilanggo na ang iba sa kanila ay natapos na ang kanilang sentensya.

“Ito rin kasi ang gusto ni Pangulong Duterte na palayain na yung mga 70 at 80 years old na mga inmate na nagdusa na sa piitan para makasama naman nila ang kanilang pamilya sa huling yugto ng kanilang buhay,” sabi pa ng Senador.

 

vuukle comment

PRISONERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with