P2- milyon bounty vs ninja cops nananatili
MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Malacañang ang P2 million pabuyang alok ni Pangulong Duterte laban sa bawat ninja cop o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang iligal na droga.
Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maraming active PNP officials ang sangkot sa illegal drugs recycling.
Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, nananatili at hindi pa binabawi ni Pangulong Duterte ang P2 million bounty para sa ikakaaresto o ikakapatay ng mga ninja cops.
Ayon kay Nograles, galit na galit ang Pangulo sa mga ninja cops at pursigido itong malinis ang hanay ng mga pulis.
Inihayag ni Nograles na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon kasama na rito ang mga ibinulgar ni Magalong sa executive session sa Senate investigation.
- Latest