^

Bansa

‘Tulak’ na nurse, pharmacist timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang nurse at pharmacist kasunod ng pagkakasamsam sa mahigit P 600,000 halaga ng shabu at party drugs sa magkakahiwalay na operasyon sa isang hotel sa Pasig City at Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa press briefing, sinabi ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino  unang nasakote ang suspect na si  Juan Carlos Reyes Antonio, isang lisensyadong pharmacist sa Room 2212 Privato Hotel, Pasig City.

Ayon kay Aquino, nakumpiska mula kay Antonio ang anim na sachet ng marijuana na tumitimbang ng 6 gramo na nagkakahalaga ng P12,000.00; isang sachet ng pinatuyong binhi ng marijuana na nasa isang gramo na aabot sa P 3,000 ang presyo; 20 tableta ng ecstasy na may katumbas na halagang P40,000.00; isang kapsula ng fly high P2,500.00.

Nakuha rin sa operas­yon ang siyam na bote, isang baso ng vial, isang plastic container  ng liquid ecstasy na nasa 800 ml na aabot sa halagang P426,000.00; isang security  bank cheque booklet, isang mobile phone, isang bote  ng sterile water at sari-saring drug paraphernalia .

Sinabi ng opisyal na aabot sa kabuuang P483,500.00 ang nakumpiskang mga droga at kagamitan mula kay Antonio.

Samantalang sa isa pang operasyon nasakote naman ang registered nurse na si Nilo Ramirez sa Kamuning Road, Brgy. Kamuning, Quezon City bandang alas- 4:20 ng madaling araw.

Nakumpiska mula dito ang tatlong sachet ng shabu na tumitimbang ng sampung gramo at nagkakahalaga ng P102,000.00; 12 capsule ng fly high P30,000.00; 5 tableta ng ecstasy P10,000.00, sari-saring drug paraphernalia, isang mobile phone, isang Honda BRV vehicle kung saan aabot sa P142, 000.00 ang nakumpiskang droga mula sa mga suspect.

 Ayon kay Aquino, base sa imbestigasyon ay mga kabataang professionals ang kliyente ng mga suspect . Ang ecstasy , fly high at iba pa ay kabilang sa mga party drugs.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with