^

Bansa

Pagtalaga kay Bantag idinepensa ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Pa­ngulong Duterte ang pagtatalaga nito kay Gerald Bantag bilang bagong director general ng Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng sinibak niyang si Nicanor Faeldon.

Sinabi ng Pangulo, naniniwala siya sa kakayahan ni Bantag na nagsilbi ng warden ng Parañaque at Manila City Jails.

Tiwala rin siyang kakayanin ni Bantag na maisaayos ang panga­ngasiwa sa National Bilibid Prison dahil na rin sa naging karanasan nito bilang opisyal at warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa Pangulo, ang marching orders niya kay Bantag ay tiyaking maipatutupad ng tama ang mga patakaran sa pangangasiwa sa bilibid at itigil ang mga special treatment na ginagawa sa ilang mga preso at siguruhing hindi na iiral ang mga iligal na aktibidad sa bilangguan.

Inihayag pa ni Duterte na kakausapin niya si Bantag at papayuhang gawin ng tama ang kanyang trabaho dahil kung hindi ay ito mismo ang ipapako niya sa krus sa loob ng Bilibid.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Duterte na mayroong dating mga kaso si Bantag gaya ng 10 counts of murder dahil sa nangyaring grenade explosion sa loob ng Parañaque City Jail noong 2016 na ikinasawi ng 10 inmates at ikinasugat ng iba pa.

Paglilinaw ng Pa­ngulo, na-downgrade ang kasong ito ni Bantag sa homicide at hindi pa naman ito na-convict.

 

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with