^

Bansa

‘ASF sa ibang lugar hindi pa kumpirmado’- DA

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
�ASF sa ibang lugar hindi pa kumpirmado�- DA
Sinabi ni Noel Reyes, spokesperson ng DA, na walang resulta sa blood samples ng mga baboy buhat sa Bambang, Nueva Vizcaya at Quezon City ang nagpapakita ng ASF infections.
File

MANILA, Philippines — Hindi pa nakukumpirma ng Department of Agriculture (DA) kung African swine fever (ASF) ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa bansa

Sinabi ni Noel Reyes, spokesperson ng DA, na walang resulta sa blood samples ng mga baboy buhat sa Bambang, Nueva Vizcaya at Quezon City ang nagpapakita ng ASF infections.

Nilinaw naman ni Reyes na ang proseso para makumpirma kung may ASF ang baboy ay hindi agad- agad at bina-validate rin ito ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Tulad anya sa Quezon City, kumuha na rin ang city veterinarians ng blood samples sa mga baboy matapos na mapansin ng may-ari nito na walang ganang kumain ang kanyang mga alaga.

Samantala, pinaaalahanan naman ni Reyes ang publiko na ang pagtatapon ng mga patay na hayop sa hindi tamang lugar ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Repulic Act 93 o ang Waste Management Act o maaari rin sa Republic Act 8495 o ang Animal Welfare Act.

Ang babala ay ginawa niya matapos na madiskubre ng mga residente sa Bambang bang dosenang patay na baboy na itinapon sa likod ng isang terminal.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with