^

Bansa

P1.2 bilyon sa free Wi-Fi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P1.2 bilyon sa free Wi-Fi
Sa report na isinumite sa Kongreso, ang DICT ay nakapaglagay na ng password-free Wi-Fi hotspots sa kabuuang 2,330 sites na sumasakop sa nasa 17 rehiyon sa 73 lalawigan na nakakasaklaw sa may 640 munisipalidad at lungsod noong Abril 1, 2019.
File

MANILA, Philippines — Gugugol ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng karagdagang P1.2 bilyon sa taong 2020 upang magtayo ng bagong Wi-Fi hotspots na magbibigay sa mga Pilipino ng free internet.

Ito ang inihayag ni Makati City Rep. Luis Jose Angel Campos Jr., Vice Chairperson ng House Approriations Committee.

Sa report na isinumite sa Kongreso, ang DICT ay  nakapaglagay na ng password-free Wi-Fi hotspots  sa kabuuang 2,330 sites na sumasakop sa nasa 17 rehiyon sa 73 lalawigan  na nakakasaklaw sa may 640 munisipalidad at lungsod noong Abril 1, 2019.

Ayon sa solon, ang bagong pondo para sa free internet Wi-Fi connectivity sa mga proyekto sa pampublikong lugar ay inilunsad sa pondo ng DICT sa panukalang P4.1 trilyon General Approriations Act para sa taong 2020.

“Money for the project is being sourced from the Free Public Internet Access Fund,” ani Campos.

Ang nasabing proyekto ay pangangasiwaan ng DICT kung saan ang pondo ay magmumula sa mga bayad na kinolekta ng National Telecommunications Commission (NTC).

Si Campos ay siyang may-akda ng House Bill 3563 na naglalayong maipagkaloob sa NTC Board ng kapangyarihan para matugunan ang sektor ng telekomunikasyon ng bansa para makapaghatid ng superior internet services sa publiko.

vuukle comment

WI-FI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with