^

Bansa

Sumukong convicts, 352 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sumukong convicts, 352 na
Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police kahapon, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na pinakamarami sa mga nagsisuko ay sa Luzon.
Boy Santos

MANILA, Philippines – Umabot na sa 352 ng kabuuang 1,914 convicts na napalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police kahapon, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na pinakamarami sa mga nagsisuko ay sa Luzon.

Kabilang sa  sumuko ?ay 15 mula sa National Capital Region Police Office, 33 sa Police Regional Office (PRO) 1; 35 sa PRO2, 24 sa PRO3, 27 sa PRO4, 51 sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas. Rizal at Quezon), 21 sa PRO5, 32 sa PRO6, 33 sa PRO7, 8 sa PRO8, 20 sa PRO9, 15 sa PRO10, 9 sa PRO12, 12 sa PRO13 at 18 sa PRO-Cordillera. 

Ayon kay Banac, batid nila na hindi lahat ng pinalayang preso ay susuko pero magandang kaganapan na rin ang maagang pagsuko ng marami sa mga ito. 

Hinihintay na lamang ng PNP ang hanggang Setyembre 19 bago ideploy ang tracker teams upang arestuhin ang mga convicts na magmamatigas na sumurender.

Magugunita na binigyan ni Duterte ng palugit na 15 araw ang mga convicts para sumuko at kung hindi ay ipatutupad ang ‘shoot to kill order’ laban sa mga ito. Danilo Garcia

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with