^

Bansa

Diabetes epidemya na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturing na ng ilang health expert na ‘epidemya’ ang diabetes sa bansa. 

Lumilitaw sa record ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism (PSEDM), nasa 7 milyong katao ang mayroon nang diabetes sa bansa. Wala anyang barangay sa Pilipinas ang hindi diabetic.

Batay sa research council member ng PSEDM na si Oliver Allan Dampil, swak sa depinisyon ng epidemya ang bilang ng mga may diabetes na naitala sa bansa.

Ilan lamang sa sintomas ng sakit na diabetes ang madalas na pag-ihi, madalas na pagkauhaw, hindi paghihilom ng sugat, o ‘di kaya naman ay biglang pagdagdag o pagbawas ng timbang. 

Kung mapapabayaan, maaari itong magresulta sa komplikasyon sa katawan gaya ng stroke, kidney failure, heart attack, at pagkabulag.

Payo ng mga doktor, damihan ang pagkain ng gulay at prutas, magbawas ng pagkain ng kanin at matatamis, at mag-ehersisyo.

 

vuukle comment

DIABETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with