^

Bansa

Piyansa ni Ampatuan ibinasura ng SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petition for bail ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Datu Zaldy Uy Ampatuan kaugnay ng Maguindanao massacre case.

Sa desisyon ng SC First Division, wala umanong merito ang petisyon para payagan siyang makapag­lagak ng piyansa. Nangangahulugan na mananatili pa rin ito sa  kulungan.

Tinukoy din ng SC na nabigo ang petitioner na patunayang may “reversible error” o pagkakamali sa naunang desisyon ng Court of Appeals (CA).

Paliwanag pa ng SC, ang mga inilahad na argumento ni Ampatuan sa kanyang petisyon kasama na ang pagtanggi na siya ay sangkot sa krimen at ang kanyang mga alibi ay maituturing na mga factual issue na pinakamainam na matalakay sa isang full blown trial. Magiging premature din umano kung magpapasya ang Korte Suprema nang lagpas sa itinatakda ng judicial review at maaari rin na mapangunahan nila ang mga partido sa pagpiprisinta ng ebidensiya sa trial ng kaso.

Maalalang nahaharap ang dating gobernador sa kasong murder dahil sa pagkamatay ng 58 katao kasama ang mahigit 30 mamamahayag noong November 23, 2009 sa Sitio Masalay, Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan.

vuukle comment

AMPATUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with