^

Bansa

Kamara pabor bigyan ng emergency powers si Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor ang ilang kongresista na pagkalooban na ng kongreso ng emer­gency powers si Pangulong Duterte para masolusyunan na ang lumalalang daloy ng trapiko sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

Ayon kay RAM Party­list Rep. Aloy Lim, nalili­mitahan ang ilang mga ahensya at Local Go­vernment Units (LGUs) para solusyunan ang problema sa traffic kaya dapat ibigay na ngayon ang emergency powers sa Presidente.

Sinabi naman ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na may sapat na panahon ngayon ang 18th Congress para talakayin at ipasa ang emergency powers sa Pangulo.

Noong 17th Congress ay inaprubahan ng Kamara ang emergency powers para sa Pangulo subalit hindi na naaksyunan ng Senado dahil sa kakapusan ng oras.

Umapela na rin si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga kapwa kongresista na pagkalooban ng emergency power ang Pa­ngulo para matapos na ang araw-araw na paghihirap ng mga Filipino na naiipit sa gitna ng traffic. Paliwanag ni Castelo, sa pamamagitan umano ng emergency power ay maalis nito ang lahat ng balakid sa pagpapatupad ng Build, Build, Build program ng administrasyon at mahahawi agad ang mga sagabal sa mga lansangan.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with