^

Bansa

Panibagong tropical depression papasok ng PAR anumang oras

James Relativo - Philstar.com
Panibagong tropical depression papasok ng PAR anumang oras
Samantala, umiiral pa rin ang southweet moonsoon, o Hanging Habagat, sa Luzon.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area na dahan-dahang lumalapit sa Philippine Area of Responsibility.

Nakita ito sa layong 1,180 kilometro silangan ng Kabisayaan kaninang madaling araw, ayon sa 4 a.m. update ng PAGASA.

Ang bagyo ay tuluyang naging tropical depression kagabi.

Taglay nito ang hanging may lakas na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsu-bugsong hangin na 55 kilometro kada oras.

"Posibleng pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility anumang oras ngayong araw," ani Meno Mendoza.

Ang nasabing sama ng panahon ay "halos hindi gumagalaw."

Dahil sa trough ng bagyo, makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Kabikulan.

Dahil din sa tropical depression, magiging maulap at magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Silangang Kabisayaan.

Samantala, umiiral pa rin ang southweet moonsoon, o Hanging Habagat, sa Luzon.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with