^

Bansa

Bilibid ward ginagamit sa drug trade

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bilibid ward ginagamit sa drug trade
Base sa impormas­yong natanggap ni Go, nasa walong high profile inmates ang nagsasagawa ng bentahan ng ilegal na droga gamit ang ospital.
File

MANILA, Philippines – Isiniwalat kahapon ni Sen. Bong Go na karamihan sa mga transaksiyon ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) ay nangyayari sa Medical Ward 3 sa Medical Annex ng Building 14.

Base sa impormas­yong natanggap ni Go, nasa walong high profile inmates ang nagsasagawa ng bentahan ng ilegal na droga gamit ang ospital.

“Most of these illegal drug transactions take place in medical ward 3, medical annex building 14 and it involves several personalities. About 8 of them. Illegal drug trade continues in NBP with the hospital as the new venue for transactions,” sabi ni Go.

Balak ni Go na paim­bestigahan maging ang mga doktor na hinihinalang kasabwat upang ma-confine sa ospital ang mga inmates.

“Kung wala naman silang sakit tapos iko-confine sila kaya pinaiimbestigahan na natin,” sabi ni Go.

Sinabi rin ni Go na isang high profile inmate ang nagbigay sa kanya ng impormasyon.

Tumanggi naman si Go na isiwalat ang pa­ngalan ng walong inmates.

Sa hiwalay na pana­yam, ibinunyag naman ni Sen. Ronald dela Rosa ang pangalan ng dalawang high profile inmates na naabutan niyang palaging nasa ospital noong naging hepe siya ng BuCor.

Ayon kay dela Rosa, nagduda na siya na may nangyayaring bayaran para manatili sa ospital ang bilanggo dahil palaging naroon ang ilang drug lords.

Partikular na pina­ngalanan ni dela Rosa sina Amin Boratong na convicted drug lord at may-ari ng drug market sa Pasig City at si Raymond Dominguez, isang carjack gang leader at pumatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Maging si Sen. Panfilo Lacson ay isinulong na ipatawag sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights ang mga doctors na nakatalaga sa NBP.

Bukod sa rebelasyon ni Go na maaaring manatili sa loob ng ospital ang mga mayayamang preso na kayang magbayad ng “hospital pass,” sinabi ni Lacson na may natanggap silang report na umaabot sa P200,000 hanggang P2 milyon ang bayaran para ma-confine sa ospital imbes na sa loob ng selda.

Bukod pa sa nasabing halaga ang P30,000 kada araw na board and lodging na ayon kay Lacson ay hindi mangyayari kung hindi sesertipika­han ng isang doktor.

Nais ding malaman ni Lacson sa mga susunod na pagdinig ng komite kung sino sa mga preso sa NBP ang palaging naa-admit sa ospital at kung ano ang sakit ng mga ito.

 

vuukle comment

PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with