^

Bansa

Singil sa kuryente bababa sa Meralco bidding

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Singil sa kuryente bababa sa Meralco bidding
Kapag naipatupad na ito simula sa Disyembre 26 inaasahan ang mga consumer ng Meralco ay makakatipid ng P0.28 per kwh o 9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon.
File

MANILA, Philippines – Inaasahang bababa na ang singil sa kuryente ng Meralco. Ito’y matapos ianunsiyo ng Manila Electric Company ang matagumpay na bidding para sa contract capacity na 1,200 MW (NET) na magsusuplay sa Meralco epektibo sa Disyembre 26, 2019 para sa 10 taong termino.

Ang hakbang ay ginawa dahil sa circular ng Department of Energy (DOE) na nagtatakda sa pagbili ng kuryente sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP). Ang CSP ay pinangangasiwaan ng Third Party Bids and Awards Committee (TPBAC) na ginawa dahil sa naturang circular.

Kaugnay nito, idineklara ng TPBAC na ang bidding na isinumite ng PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation, at South Premiere Power Corporation ang siyang ‘Best Bids”.

Idineklara naman ng Meralco na ang matagum­pay na CSP ay magreresulta sa mas mababang gastos sa mga consumers dahil ang all in rate ay kasama na ang line rental at VAT gayundin ang gastos sa replacement power sa lahat ng plant outrages.

Ang generator companies din ang mananagot sa pagpapabayad ng multa kapag hindi sila nakapag-deliver ng kuryente na gagamitin para mabawasan ang generation cost ng mga consumers.

Kapag naipatupad na ito simula sa Disyembre 26 inaasahan ang mga consumer ng Meralco ay makakatipid ng P0.28 per kwh o 9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon.

 

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with