^

Bansa

P95 bilyon na-veto sa 2020 budget ‘di ibabalik

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng House Committee on Appropriations ang kahilingan ng may 60 kongresista para ibalik sa panukalang P4.1 Trillion 2020 national budget ang P95 bilyon halaga ng mga proyekto na nai-veto nga­yong taon sa pambansang pondo.

Ayon kay Davao Rep. Isidro Ungab, chairman ng komite, mahirap isama ang kahilingan ng mga kongresista sa ipinasa nilang 2020 General appropriations bill (GAB) dahil mababawasan ang alokasyon na inilagay sa iba’t ibang departamento, ahensiya at tanggapan ng gobyerno kaya pati kanilang operasyon ay maaapektuhan.

Sa kabila nito, aminado naman si Ungab na ang mga nabawas o na-veto na pondo ay kapaki-pakinabang sa constituents ng mga kongresista.

Nilinaw din ng kongresista na kailangan din nilang makipag-usap sa ehekutibo para umapela na ibalik ang nasabing mga alokasyon.

Kapag nakausap na umano nila ang ehekutibo ay maaaring piliin at irekomenda na sa 2021 budget na isama ang mga nabawas na pondo kung mayroong available funds at maaari din magpasa ng supplemental budget.

Sa ngayon ay makikiusap umano siya sa mga kongresista na huwag ipilit ang gusto at maging mapagpasensya lamang.

vuukle comment

2020 BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with