^

Bansa

Tulong ng Interpol hihingiin para maaresto si Joma Sison, 37 iba pa

James Relativo - Philstar.com
Tulong ng Interpol hihingiin para maaresto si Joma Sison, 37 iba pa
"So once na mawala 'yon [political asylum], and we have the red notice, then he can be arrested there [sa Netherlands]." 
OPAPP/file

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police na ginagawan na nila ng paraan para maaresto si Jose Maria Sison, founder ng Communist Party of the Philippines, kahit na siya'y nasa Netherlands.

Ito'y kaugnay pa rin ng warrant of arrest na inilabas laban sa exiled leader, kanyang asawa at 36 na iba pa para sa 15 counts ng murder dahil sa diumano'y "Inopacan massacre" noong dekada '80.

Sa isang press briefing ngayong Martes, sinabi ni PNP chief Oscar Albayalde na nakikipag-ugnayan na sila sa International Criminal Police Organization kaugnay ng "red notice," na kailangan upang siya'y mahuli kahit nasa ibang bansa.

"Through the Interpol, like we['ve]... extended [to] other countries kapag meron silang mga national din na nais maaresto rito... meron tayong tinatawag na red notice," ani Albayalde.

Ayon pa sa hepe ng PNP, kinakailangan muna nilang makipag-ugnayan sa Philippine Center for Transnational Crime bago makapaglabas ng red notice.

Usapin ng political asylum

Bago maging epektibo ang red notice, dapat daw munang mapawalang-bisa ang iginawad na political asylum kay Sison ng Dutch government, bagay na ginagawan na raw ng paraan ng Armed Forces of the Philippines.

Ang asylum ay ibinibigay ng isang gobyerno sa isang taong lumisan ng sariling bansa bilang isang political refugee.

Taong 1988 nang magtungo si Sison sa Netherlands para sa isang global lecture tour, matapos pakawalan ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino sa ngalan ng "national reconciliation" dahil sa papel niya sa pagtutol sa diktadura ni Ferdinand Marcos.

Humiling si Sison ng political asylum sa parehong bansa, sa parehong taon, matapos ikansela ng Philippine government ang kanyang pasaporte.

"'Yun nga 'yung hinihingi natin sa Netherlands... Especially na 'yung mga tao na 'to, that they are giving asylum to, are involved in murder. Heinous crime," paliwanag pa niya.

"So once na mawala 'yon [political asylum], and we have the red notice, then he can be arrested there [sa Netherlands]." 

'Walang kinalaman sa masaker'

Ang reklamo ay kaugnay ng diumano'y pagpupurga ng CPP at New People's Army sa mga pinaghihinalaan nilang ahente ng gobyerno na pumapasok sa kanilang kilusan sa Leyte.

Una nang pinabulaanan ni Sison ang mga paratang dahil nakakulong pa raw siya sa maximum security prison nang diumano'y mangyari ang Inopacan massacre.

"Wala ako sa anumang posisyon noon para mamuno sa CPP at sa rebolusyonaryong kilusan," sabi ni Sison sa isang pahayag sa Inggles.

"Meron din nasa listahan na patay na dahil sa sakit o dinukot ng reaksyunaryong gobyerno."

Maliban dito, hinukay lang daw mula sa iba't ibang sementeryo noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga labing tinukoy bilang biktima ng nasabing mass purging.

Dati nang sinabi ng AFP na gagawin nila ang anumang makakaya nila upang mapanagot sina Sison at iba pang lider komunista.

"Para sa inyo na, tulad ni G. Sison, ay nasa labas ng bansa, maaaring hindi namin agad maibigay sa inyo ang warrant dahil labas kayo sa saklaw ng aming jurisdiction. Pero makakahingi kami ng tulong," ani Brig. Gen. Edgard Arevalo sa isang pahayag sa Inggles.

Ayon naman sa ulat ng BusinessWorld, pinag-aaalan na rin daw ng Department of Justice ang mga maaari nilang gawin upang maisakatuparan ang paghuli sa CPP founder.

vuukle comment

INTERPOL

JOSE MARIA SISON

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with