^

Bansa

Budget hearings agad natapos ng Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natapos “in record time” ng House Committee on Appropriations ang mga pagdinig sa 2020 proposed budget ng lahat ng mga departamento at ahensya ng gobyerno. 

Ayon kay committee chairman Rep. Isidro Ungab (3rd District, Davao City), na­ging posible ito dahil sa pamamahala ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siniguro na nasa tamang oras o mas maaga pa ang pagpasa sa pork-free at illegal insertion-free na budget na magbibigay sa bawat Pilipino ng ligtas at komportableng buhay.

Sabi ni Ungab, si Speaker Cayetano ang nagsagawa ng idea at sistema upang ma-adjust ang schedule ng plenary session upang maisagawa ang apat na budget briefings kada araw.

Nang isumite ng Malacañang ang National Expenditure Program for Fiscal Year 2020 kay Speaker Cayetano, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Chairman Ungab at iba pang House leaders, sinabi agad ni Cayetano na ia-adjust ng Kamara ang plenary schedule para mas may panahon na matalakay ang P4.1 trillion proposed national budget para sa 2020.

Nagpapasalamat si Ungab sa ibang House Members na tumulong at nagsagawa ng kanilang mga review ng budget proposals ng iba’t-ibang government departments at mga ahensya upang malaman ang mga kinakailangan sa mga programa at proyekto.

Aniya, ang kooperas­yon at attendance ng iba’t ibang pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan ay naging daan para maagang matapos ang budget hearings.

Sa mga nagdaang schedule ng House sa mga pagdinig ng mga annual budget proposal, kadalasan na natatapos ito sa huling linggo ng Setyembre.

Sinabi ni Ungab na nakatakdang aprubahan ngayong Lunes ang Committee Report sa House Bill 4228, na siya mismo ang principal author, at may layuning maglaan ng kaukulang pondo para sa operasyon ng gobyerno mula January 1 hanggang December 31, 2020.

vuukle comment

BUDGET HEARINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with