^

Bansa

Ilang napalayang convicts sumuko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ilang napalayang convicts sumuko
Ang dating inmate na si Nicanor Naz bitbit ang mga gamit nang sumuko sa Pasay City Police headquarters matapos mabalitaan ang utos ni Pangulong Duterte. Si Naz ay kabilang sa mga napalaya dahil sa GCTA.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 10 heinous crime convicts na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance ang sumuko para ipa-recompute ang kanilang GCTA.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagpapatuloy ng Senate hearing nang tanungin ni Sen. Panfilo Lacson kung may sumuko na sa nasa 1,900 bilanggo na pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Guevarra patuloy na bina-validate ng kanilang hanay ang ulat matapos bigyan ng palugit ni Pangulong Duterte ang mga napalayang heinous crime convicts na sumuko sa loob ng 15 araw.

Dalawa sa mga sumuko ang kinilalang sina Jesus Ranoco Negro Jr., 50 anyos, residente ng Brgy. Dakit, Bogo City, Cebu at Nicanor Naz, 48.

Si Ranoco ay nahaharap sa kasong 8 counts ng murder at frustrated murder na nasentensyahan ng 30 taong pagka­kabilanggo sa BuCor at napalaya sa GCTA noong Agosto 9, 2018.

Samantala si Naz ay nasentensyahan noong Hunyo 3, 1993 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 116, Pasay City sa kasong paglabag sa Republic Act 6425 o Dange­rous Drugs Act of 1972. 

Nakulong si Naz sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte at kalalaya lang nitong Hulyo 11, 2019 makaraang pumasa sa GCTA.

Agad iti-turn over sa BuCor ang mga convicts oras na magboluntaryo o maaresto muli ng PNP.

Samantala, no show naman ang sinibak na si BuCor director general Nicanor Faeldon sa kabila ng subpoena sa kanya ng Senado.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, nakiusap si Faeldon sa pamamagitan ng abogado nito para hindi na humarap sa mga susunod na hearing sa pamamagitan ng text message.

Dahil dito, nagisa ang mga opisyal ng BuCor dahil sa minadali umanong release ng 44 na convicts noong Agosto.

Inamin ng direktor ng BuCor Directorate for Reformation na si Chief Supt. Maria Fe Marquez, pinirmahan niya ang memorandum of release ng mga napalaya dahil nasa Sablayan prison noon si Faeldon.

Napilitan daw siyang pirmahan ito dahil sa takot na baka maparusahan ng arbitrary detention.

Bagay na kinuwest­yon ni Lacson dahil trabaho umano ni Faeldon bilang director general na pirmahan at suriin ang listahan ng mga presong nakatakdang lumaya. Joy Cantos, Danilo Garcia

vuukle comment

PRISONERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with