^

Bansa

'Huwag i-recycle': Kulong, P100,000 multa atbp. vs Faeldon itinulak

James Relativo - Philstar.com
'Huwag i-recycle': Kulong, P100,000 multa atbp. vs Faeldon itinulak
'Yan ang isinusulong ng ilang senador at kinatawan ng Kamara laban sa ex-BuCor chief matapos pagbitiwin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapalabas ng heinous crime convicts kahit "ipinagbabawal" ng Republic Act 10592.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Dapat daw mapanagot sa batas si dating Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon, at kanyang mga kasapakat, kasunod ng pagpapalabas ng libu-libong nahatulan sa mga karumaldumal na krimen.

'Yan ang isinusulong ng ilang senador at kinatawan ng Kamara laban sa ex-BuCor chief matapos pagbitiwin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapalabas ng heinous crime convicts kahit "ipinagbabawal" ng Republic Act 10592.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, hindi sapat na matanggal lang ang dating opisyal sa pwesto.

"[S]i Faeldon, kasama ang iba pang responsableng opisyal, ay dapat tumugon sa batas na nilabag nila," wika ni Hontiveros sa Inggles.

Aniya, klaro ang Section 6 ng RA 10592, o Good Conduct Time Allowance law, na nagpaparusa sa mga lumalabag sa batas.

Kung mapatutunayang nagkasala sina Faeldon, maparurusahan sina ng:

  • isang (1) taong pagkakakulong
  • multang P100,000
  • habambuhay na disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno

Sinang-ayunan din nina Sen. Franklin Drilon at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paghahabla kina Faeldon, na "ginawang kahihiyan" diumano ang batas.

Maliban dito, hindi na raw siya dapat makapanumbalik sa pamahalaan.

"Hindi na dapat mai-recycle si Faeldon. Alam mong bigo ang kampanya kontra-katiwalian ng gobyerno dahil sa ugali nitong paggamit uli sa mga opisyal na maya't mayang lumalabag," ani Zarate.

Matatandaang nagbitiw siya sa Bureau of Customs taong 2017 matapos madawit sa P6.4 bilyong shabu shipment na nakalampas sa kanya noong pinangungunahan pa niya ito. 

Matapos nito, inilipat naman siya bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense Disyembre ng parehong taon.

Oktubre 2018 naman nang ilipat siya sa BuCor.

"Ang GCTA law ay positibong salik dapat ng reformatory criminal justice system natin. Pero na-hijack na ito at sinamantala ng mga tiwaling opisyal at mayayamang kriminal, habang libu-libong kababayan natin ang pinapatay nang hindi man lang nakahaharap ang mga nag-aakusa sa kanila sa korte," panapos ni Zarate.

Muling naging kontrobersyal si Faeldon matapos palutangin ang balitang posibleng makalaya ang rapist at mamamatay-tao na si ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez dahil sa "good behavior," kahit nahatulan ng patung-patong na reclusion perpetua.

Ibang sangkot 'habulin'

Samantala, nagkaisa naman ang iba't ibang lawmakers na hindi lang si ang BuCor chief ang dapat masilip patungkol sa isyu ng GCTA.

"Pagdating sa imbestigasyon ng ombudsman, hindi lang dapat si Faeldon ang pagtuunan ng pansin," ani Sen. Sherwin Gatchalian.

"[K]ailangan kasama rin ang lahat ng taong may kagagawan sa pagpapakawala ng mga rapist, mamamatatay-tao at drug lords sa publiko."

Aniya, napapanahon na raw na mareporma ang BuCor at magtalaga rito ng pinunong walang record ng korapsyon at "incompetence."

Nanawagan naman si Sen. Panfilo Lacson na mapanagot din si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, na umaming nagpalaya ng 120 heinous crime convicts.

Dagdag pa ni Hontiveros, dapat din daw maimbestigahan si presidential spokesperson Salvador Panelo, matapos "gamitin ang kanyang posisyon" para mai-refer si Sanchez, na kanyang dating kliyente, sa Bureau of Pardons and Parole kaugnay ng request ng clemency.

'Walang sacred cows'

Ayon naman kay Sen. Manny Pacquiao, patunay lang daw na walang pinapaboran ang administrasyon sa pagsibak kay Faeldon.

"Ito ang best testament na galit din ang presidente at dissappointed sa mga ginawa ni Faeldon, na handa siyang matignan ang puno't dulo ng lahat," sabi ng fighting senator.

"Ipinakikita nitong hindi kinikilingan si Faeldon."

Pinayuhan din ni Pacman na mag-leave-of-absence na rin ang iba pang susing BuCor officials.

Kung hindi raw nila ito gagawin, irerekomenda raw niya kay Justice Secretary Menardo Guevarra na pansamantalang isuspinde ang mga nabanggit na opisyal habang hindi pa tapos ang imbestigasyon sa GCTA controversy. 

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

CARLOS ZARATE

GOOD CONDUCT AND TIME ALLOWANCE

NICANOR FAELDON

RISA HONTIVEROS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with