^

Bansa

Death penalty hiling ibalik

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil naabuso ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, nais ng isang kongresista na ibalik na lamang ang Death Penalty sa bansa sa pamamagitan ng lethal injection.

Ayon kay ACT-CIS partylist Rep. Nina Taduran, kung umiiral sana ang death penalty sa bansa ay walang “second chance” ang mga bilanggong sangkot sa heinous crimes.

Paliwanag pa ni Taduran, na kung bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga kriminal na ito ay para na ring binawi ang hustisyang nakamit ng mga kaanak ng mga napatay.

Kinuwestyon rin ni Taduran kung bakit nakalaya ang 2,160 bilanggo simula noong 2013 na nahatulang guilty sa heinous crimes lalo pa at wala silang lugar sa lipunan matapos manira ng buhay.

Dahil dito kaya mag­hahain umano ang ACT-CIS ng panukala upang muling buhayin ang bitay.

Subalit kailangan uma­nong magkaroon ng safeguards ang batas para maproteksyonan ang mga mahihirap na napagbintangan sa mga karumal-dumal na krimen.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with