^

Bansa

Virus nakukuha sa sewage - DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Virus nakukuha sa sewage - DOH
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lumitaw na positibo sa vaccine-derived poliovirus (VDPV) ang tubig mula sa sewage ng Maynila. Pahihinain umano nito ang katawan ng isang bata.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May panibagong virus na nakita ang Department of Health mula sa sewage kaya’t hinihikayat nito ang mga magulang na pabakunahan ng polio vaccine ang kanilang mga anak.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lumitaw na positibo sa vaccine-derived poliovirus (VDPV) ang tubig mula sa sewage ng Maynila. Pahihinain umano nito ang katawan ng isang bata.

Bagama’t wala pang naitalang transmission nito, sinabi ni Duque na kailangang maging handa ang mga magulang para sa proteksiyon ng kanilang mga anak lalo’t nasa environment na ang virus.

Sinabi ni Duque, kailangan na matiyak na 95 porsiyento ng mga bata ang dapat na mabigyan ng polio vaccine upang hindi magkaroon ng problema.

Ani Duque, walang gamot sa polio at kumpletong vaccination lamang ang pinakamainam na paraan para maiwasan ito.

Paliwanag ni Duque, nakamamatay ang polio  na kadalasang nasa 15 anyos ang tinatamaan. Nakukuha sa fecal-oral route ang virus bunsod ng kakulangan ng personal hygiene at malinis na kapaligiran.

Anya, ang mga sewage ay kadalasang buma­bagsak sa Manila Bay kaya’t hindi pa rin ligtas na maligo dito. 

Dagdag pa ni Duque na, nagsasagawa sila ng immunization drive para sa polio upang matiyak na mabibigyan ng vaccine ang 5.5 million na bata sa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon.

vuukle comment

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with