^

Bansa

Digong ‘gigisahin’ ang BuCor

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin ni Pangulong Duterte ang Bureau of Corrections kaugnay sa mahigit 1,900 bilanggo na nakulong dahil sa karumal-dumal na krimen pero maagang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Kinumpirma ito kahapon ni Sen. Bong Go na kasama ni Pangulong Duterte sa biyahe sa China.

Nilinis naman ni Go si Duterte at tiniyak na hindi dumaan sa tanggapan nito ang pagpapalaya sa mga presong nakagawa ng heinous crimes.

Sa ilalim ng GCTA, nababawasan ang jail time ng mga preso na nagpapakita ng magandang asal sa loob ng kulungan.

Pero hindi kasama sa batas ang mga nahatulan dahil sa heinous crimes, nagtangka ng tumakas, palaging gumagawa ng krimen o recidivists.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na dapat ibalik sa kulungan ang mga nakalayang bilanggo sa ilalim ng GCTA na hindi naman kuwalipikado.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bagaman at hindi maaring bawiin ang pagbibigay ng GCTA, pero ito ay para lamang sa mga kuwa­lipikadong bilanggo.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na isang malaking “irony” na gumagastos ng malaki ang gobyerno para sa pagbuo ng kaso, panga­ngalap ng ebidensiya, at pag-aresto sa mga malalaking drug traffickers lalo na sa mga Chinese drug lords, pero sa isang pirma lamang ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon ay nakakalaya ang mga ito.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with