^

Bansa

Senado kumilos vs plastic pollution

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas pinaigting pa ng Senado ang panawagan para mabawasan ang plastic pollution sa bansa sa pamamagitan ng panukalang nagre-regulate, kung hindi man tuluyang pag-ban, pag-import, produksyon at consumption ng single-use plastics.

Sa Senate bill 40 o ang Single-Use Plastics Regulation and Management Act of ?2019 ni Sen. Francis Pangilinan, dini-discourage nito ang bawat Filipino mula sa paggamit ng disposable plastics tulad ng grocery bags, food packaging, films at bags, water bottles, straws, stirrers, styros, cups, sachets at plastic cutlery.

Sa sandaling maisabatas, maoobliga ang mga food establishments, tindahan, mga palengke at retailers na mag-ban ng single-use plastics kung hindi ay pagmumultahin sila o ikakansela ang mga business permit.

Habang bibigyan naman ng incentives ang mga indibidwal, kumpanya at kooperatiba na maglalagay ng alternatibo sa paggamit ng single-use plastics.

Kamakailan ang condiment maker na NutriAsia Inc. ay nagbukas ng refilling station sa Metro Manila at sa iba pang refilling initiatives sa buong Central Luzon para mabawasan ang paggamit ng plastic bottles at sachets.

Ang buyers ng mga produkto ng NutriAsia ay maaaring muling magamit ang kanilang malinis na plastic bottles sa pamamagitan ng pag-refill ng mga condiments tulad ng toyo, suka at mantika sa Bring Your Own Bottle booths ng kumpanya.

vuukle comment

PLASTIC POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with