^

Bansa

Digong haharangin ang ‘pork’ sa 2020 national budget

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong haharangin ang �pork� sa 2020 national budget
Bumisita at nag-alay ng dasal si Pangulong Duterte sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Sa larawang inilabas kahapon ng Malacañang, makikitang nagsindi ng kandila ang Pangulo kasama si Sen. Bong Go. Hindi nakadalo ang Pa­ngulo sa pagdiriwang ng National Heroes Day kamakalawa dahil masama ang pakiramdam nito.
Ulat ni Rudy Andal

MANILA, Philippines – Gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto power upang alisin ang mga ‘pork barrel’ na isisingit sa proposed 2020 national budget.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ulat na ang proposed P4.1 trilyong national budget para sa 2020 ay may nakasingit na mga pork.

Magugunita na nabalam ang pagpasa ng 2019 budget ng ilang buwan matapos kwestyunin ang mga alokasyon at sinasabing pork insertion ng Kongreso.

Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) noong Agosto 20 ang proposed 2020 national expenditures program (NEP) matapos aprubahan ito ni Pangulong Duterte at buong gabinete noong Agosto 5.

Ayon sa ulat, hiniling ng DBM sa mga mambabatas na magsumite ng kanilang listahan ng mga proyekto para sa kanilang distrito na nakasama sa 2020 national budget. Napaulat din na nasa P35 bilyon na pork barrel funds ng mga senador at kongresista ang nakapaloob sa 2020 budget.

Idineklara ng Korte Suprema noong November 2013 na labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with