^

Bansa

'Jenny' posibleng hagipin ang probinsya ng Aurora ngayong gabi

James Relativo - Philstar.com
'Jenny' posibleng hagipin ang probinsya ng Aurora ngayong gabi
Isinailalim naman sa tropical cyclone wind signal no. 2 ang Isabela, Quirino at Aurora.
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na mag-landfall ang bagyong Jenny, na ngayo'y tropical storm na, sa probinsya ng Aurora sa mga susunod na oras.

Tinatayang mangyayari ito ngayong gabi o bukas ng umaga, ayon sa pinakahuling weather update ng PAGASA.

Gayunpaman, posible pa ring lumihis at tumbukin ang mga kalapit nitong lalawigan, ayon sa senior weather specialist na si Chris Perez.

"[B]agama't 'yung center track natin, inaasahan natin sa bandang Aurora ang pinaka-tama, but 'yung neighboring provinces po, north and south of Aurora, or even the southern portions of Aurora, or dito sa may bandang Isabela, kailangan ding maghanda for possible landfall," ani Perez.

Natagpuan ang mata ng bagyo 360 silangang hilagangsilangan ng Daet, Camarines Norte kaninang alas-diyes ng umaga. 

Taglay nito ang hangin na 65 kilometro kada oras na may pabugsu-bugsong hangin na 80 kilometro kada oras.

"Mapapansin natin 'yung malawak na kaulapan na dala nito, hindi lamang sa Central Luzon tumatama, kundi maging bahagi ng Northern Luzon, Southern Luzon, kasama na nga diyan ang Metro Manila at maging dito sa bandang western part ng Visayas at Mindanao," dagdag ni Perez.

Signal no. 1-2 idineklara

Samantala, makakaranas naman ng masungit na panahon at maalon hanggang sa napakaalong karagatan ang mga lugar na isinailalim sa tropical cyclone wind signal no. 2:

  • Isabela
  • Quirino
  • Aurora

Maaaring madama sa loob ng 24 oras ang mga hanging mula 61 hanggang 120 kilometro oras sa mga nabanggit na lugar.

Isilailalim naman sa signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan
  • Nueva Vizcaya
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Benguet
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bataan
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • hilagang bahagi ng Quezon (kasama ang Polilio Islands)
  • Cavite
  • Laguna
  • Camarines Norte
  • hilagangsilangang bahagi ng Camarines Sur
  • Catanduanes

Mula ngayon hanggang mamayang gabi, inaasahan ang sunod-sunod hanggang madalas na katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Kabikulan, mga probinsya ng Samar, Quezon, Rizal, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.

Mahina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman na madarama sa Kamaynilaan, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, hilagang Mindanao at Bangsamoro.

Magiging pabugsu-bugso rin ang hangin sa Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon dulot pa rin ng Hanging Habagat o southwest monsoon.

Lalabas ng PAR Huwebes

Tinitignan ang paglabas ng kalupaan ng bagyong Jenny bukas ng umaga.

Mula umaga hanggang gabi naman ng Huwebes ay maaaring tuluyan na itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa loob ng 48 na oras ay maaaring 725 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur na ito.

vuukle comment

JENNY

PAGASA

RAINS

SOUTHWEST MOONSOON

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with