ROTC hirit gawing optional
MANILA, Philippines — Kontra si Sen. Imee Marcos upang gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Sinabi ni Sen. Imee, nasubukan na noong araw ng kanyang ama na gawing mandatory ang ROTC sa college subalit nagdesisyon na gawing optional na lamang ito noong 1980.
Wika pa ni Marcos, hindi lamang sa pagsusundalo sa pamamagitan ng ROTC maipapakita ang pagmamahal sa bayan.
Aniya, mas mabuting gawing optional na lamang ang ROTC kaysa ipilit muli itong gawing mandatory.
Idinagdag pa ni Marcos, mababa ang enrollees sa ROTC kaya mas mabuting tumulong na lamang ang mamamayan sa recruitment sa mga gustong pumasok upang mag-sundalo.
- Latest