^

Bansa

Kasong libelo vs Tulfo tambak na

Pilipino Star Ngayon

Ex-DOJ chief dumagdag

MANILA, Philippines — Natatambakan na ng mga kasong libelo ang kolumnistang si Ramon Tulfo at isa sa mga dumagdag pa ang isinampa laban sa kanya ni dating Department of Justice secretary Vitaliano Aguirre dahil sa umano’y malisyoso at nakakasirang kolum ng una at Facebook page noong Abril.

Si Aguirre ay humihingi ng P150 million moral damages at mahigit P50 million sa exemplary fees at attorney’s fees mula sa mga kinasuhan.

Sa kolum ni Tulfo sa Manila Times noong Abril 11, inakusahan niya si Aguirre na protector umano ng human trafficking syndicate sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa isa pang kolum noong Abril 13, sinabi ni Tulfo na tumatanggap umano si Aguirre ng pera mula sa naturang sindikato kahit nagbitiw na ito bilang kalihim.

Sa isa pang kolum noong Hulyo 30, binanggit ni Tulfo na lumobo sa kasalukuyang administrasyon ang small-town lotteries para mapagbigyan umano ang ilang tao na kasama na si Aguirre.

Sinabi rin ni Aguirre na ang mga isinulat ni Tulfo ay pawang “defa­matory” Facebook posts kung saan inulit ang mga nakakasirang alegasyon noong April 9,  April 13 at June 8.

Sinabi ni Aguirre na may itinatagong galit ang kolumnista sa kanya dahil noong kalihim pa siya ng DOJ ay tinanggihan niya ang request ni Tulfo na i-consolidate ang lahat ng libel cases na pending sa mahigit 70 prosecutors offices sa buong bansa.

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with