^

Bansa

Expanded anti-wiretapping law di gagamitin vs oposisyon - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi dapat lagyan ng kulay-pulitika dahil hindi naman gagamitin ng mga intelligence operatives ng Philippine National Police ang expanded anti-wiretapping law laban sa oposisyon o mga kalaban ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna na rin ng pagsusulong na palawakin ang nasasaklaw sa batas ng anti-wiretapping law.

Inihayag ni Albayalde na suportado ng PNP ang hakbanging palawigin pa ang nasasaklaw ng wiretapping law upang epektibong matugunan ang problema kontra sa terorismo at iba pang seryosong banta sa pambansang seguridad.

Sinabi pa ni Albayalde na kailangan din ng kautusan ng korte bago magsagawa ng wiretap ang mga awtoridad laban sa mga banta sa pambansang seguridad bilang bahagi ng protocol.

vuukle comment

ANTI-WIRETAPPING LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with