Palasyo itinangging naospital si Duterte
MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ng Malacañang na naospital si Pangulong Rodrigo Duterte kaya isang linggong ‘absent’ ito sa publiko.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na masyadong abala ang Pangulo kaya hindi ito gaanong nakikita ng publiko nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Panelo, maraming mga private meetings ang Pangulo nitong mga nakaraang araw kahit hindi ‘visible’ sa publiko.
Wika ni Panelo, abala sa paper works din ang Pangulo nitong mga nakaraang araw dahil binabasa nitong mabuti ang bawat papeles bago lumagda.
Ang huling public appearance ng Pangulo ay sa anibersaryo ng National Police Service sa Camp Crame.
- Latest