Ebidensiya sa PCSO corruption, hawak na ng PACC
MANILA, Philippines — Hawak ni Presidential Anti-Crime and Corruption (PACC) Commissioner Greco Belgica ang lahat ng mga ebidensiya na nagpapatunay na mayroong korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni PCSO Director Sandra Cam, Mayo 2019 pa nang mapasakamay ang mga ito ni Belgica, na siyang namumuno sa task force na inatasan ni Pangulong Duterte upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu.
Ani Cam, ito rin ang mga dokumento na hiningi ng Pangulo nang magkita sila sa Tokyo, Japan noong Mayo sa isang official visit nito.
“President Duterte and I met in Tokyo. He asked me for proof. I then gave him the documents that proved that there is corruption in PCSO. He then asked me to hand over these documents to Sen. Bong Go and the latter gave these documents to Commissioner Belgica who is in charge in the investigation,” ani Cam.
Inamin naman ni Cam na bukod sa mga naturang dokumento, mayroon pa siyang impormasyon hinggil sa korapsiyon sa PCSO na handa aniya niyang ibunyag sa sandaling ipatawag siya sa imbestigasyong isasagawa ng Senado at Kongreso.
- Latest