Government officials iniimbestigahan sa ‘excessive foreign trips’
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na rin ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ang reklamo ng umano’y labis-labis na pagbiyahe sa labas ng bansa ng ilang opisyal ng gobyerno.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang sa subject ng kanilang imbestigasyon ang ilang opisyal na nasa Secretary level, Undersecretary at Assistant Secretary.
Sabi ni Belgica, ang hakbang na silipin na rin ang foreign trips ng mga opsiyales ng gobyerno ay alinsunod sa concern mismo ni Pangulong Duterte patungkol sa mga nadiskubre niyang maraming out of the country trips sa mga nakaraan na ikinasibak na rin ng mga dating appointee mismo ng Presidente.
- Latest