^

Bansa

BI ipapatawag sa Chinese POGO workers

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
BI ipapatawag sa Chinese POGO workers
Sinabi ni House committee on games and amusement chairman Rep. Eric Yap, aalamin nila ang bilang ng foreign workers sa POGO hubs at kung lahat ay legal na nagtatrabaho rito o nabigyan lang ng working visa sa bansa.

MANILA, Philippines — Ipapatawag ng Kamara ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas.

Sinabi ni House committee on games and amusement chairman Rep. Eric Yap, aalamin nila ang bilang ng foreign workers sa POGO hubs at kung lahat ay legal na nagtatrabaho rito o nabigyan lang ng working visa sa bansa.

Giit ni Yap, kailangan ng proper documentation at mahigpit na regulation sa proseso ng pagtanggap ng POGO workers sa harap ng mga ulat na may mga grupo umanong nambibiktima ng mga kapwa Chinese na sangkot sa kidnapping, extortion at theft.

Sa ganitong paraan umano ay mas magi­ging epektibo ang pa­ngongolekta ng buwis mula sa online gaming scheme at mapoprotektahan ang kapakanan ng mga legal foreign workers.

Sa mga naunang datos, aabot sa 138,000 ang manggagawang Chinese sa POGO.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with