^

Bansa

80% Pinoy kuntento sa pamamahala ng 2019 elections — SWS

James Relativo - Philstar.com
80% Pinoy kuntento sa pamamahala ng 2019 elections � SWS
Makikita ang isang Comelec officer na may tangang ballot box mula Maguindanao habang kina-canvass ang mga boto sa PICC sa Pasay City.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Lumalabas na apat sa limang Pilipino ang "satisfied" o kuntento sa katatapos lang na midterm elections nitong ika-13 ng Mayo, 2019, batay sa pag-aaral na isinagawa ng Social Weather Stations noong ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo.

Ayon din survey na inilabas ng SWS Martes ng gabi, 12% ang hindi kuntento sa pamamahala rito habang 7% naman ang hindi pa nakakapagdesisyon.

Dahil dito, may net satisfaction rating na +68, o "very good" ang 2019 midterm elections, na mas mababa ng limang puntos sa record-high na +73 (excellent) noong 2016 presidential elections.

Samantala, mayorya rin ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na naging "independent" at walang kinilingang kandidato o grupo ang Commission on Elections sa 79%.

Malayo ito sa 10% nagsasabing hindi naging independent ang Comelec habang 11% naman ang undecided.

Dahil dito, "extremely strong" (+70) ang nakuhang net agreement ng populasyon sa impartiality ng Comelec ngayong 2019, mas mataas sa +61 noong Hunyo 2013.

'Believability' ng resulta sa Kongreso

Napag-alaman din ng pag-aaral na karamihan ay naniniwalang makatotohanan ang naging resulta ng eleksyon para sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Lumalabas na 86% ang nagsasabing kapani-paniwala ang resulta ng May 2019 elections para sa mga senador.

Kapareho niyan ang piguro noong Hunyo 2013, at anim na puntos na mas mababa sa 92% noong Hunyo 2016.

Nasa 14% lang ang nagsabing "unbelievable" ito.

Mas mataas ang puntos na nakuha ng mga kinatawan ng kamara kung "believability" ang pag-uusapan.

Umani kasi ng 88% ang House of Representatives bilang tugon sa resulta, habang 12% lang ang nagsabing hindi ito kapani-paniwala.

Eleksyon sa LGU

Kamukha ng resulta sa itaas ang pagtingin ng taumbayan sa kinalabasan ng gubernatorial at mayoral race.

Lumalabas na 84% ng mga Pilipino ang naniniwalang credible ang mga nanalo at natalo sa pagkagobernador, kontra sa 8% na umalma.

Mas positibo naman ang mga numero para sa resulta ng pagkaalkalde, na umani ng 89% na believable rating at 11% na unbelievable.

"The proportion of those who consider the Mayoral election results believable has been consistently high since 2004," sabi ng SWS sa kanilang survey.

(Tuloy-tuloy ang pagiging mataas ng believable results para sa mayoral elections simula pa noong 2004).

Ibinatay sa harapang panayam ng 1,200 katao edad 18-anyos pataas ang mga lumabas na datos.

Kumuha ang SWS ng 300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Meron itong sampling error margin na ±3% para sa national percentages at ±6% para sa national percentages habang ±6% naman pare-pareho para sa Metro Manila, Balance of Luzon, Visayas at Mindanao.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with