^

Bansa

Bagyong Hanna tumindi, naging severe tropical storm

James Relativo - Philstar.com
Bagyong Hanna tumindi, naging severe tropical storm
Taglay nito ang hangin na may bilis na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pabugso-bugsong lakas na 115 kilometro kada oras.
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na "severe tropical storm" ang bagyong Hanna na namataan 795 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan sa forecast ng Pagasa alas-diyes ng umaga.

Taglay nito ang hangin na may bilis na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pabugso-bugsong lakas na 115 kilometro kada oras.

Halos "stationary" o hindi gumagalaw ang bagyo.

Posibleng lumakas pa ito at pormal na maging "typhoon" sa ika-8 ng Agosto, Huwebes.

Wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signal ang weather bureau sa ngayon.

"Kapag napanatili nitong Hanna itong track niya, or [kung] bababa siya nang bahagya, ay posible tayong magtaas ng tropical cyclone wind signal no. 1 sa bahagi ng extreme Northern Luzon," sabi ni Benison Estareja, weather specialist ng Pagasa.

Hindi pa naman nakikitang tatama sa anumang bahagi ng kalupaan ang bagyo sa ngayon.

Habagat magpapaulan pa rin

Samantala, makararanas naman ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang sumusunod na lugar bunsod ng Hanging Habagat:

  • Western Visayas
  • hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang mga isla ng Calamian at Cuyo)
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Romblon
  • Cavite
  • Batangas
  • Laguna

Makararanas naman ng maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang Metro manila, Central Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon.

vuukle comment

HANNA

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

SOUTHWEST MONSOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with