^

Bansa

Villanueva sa divorce bill: ‘Over my dead body’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Villanueva sa divorce bill: �Over my dead body�
Sinasagot ni Senate President Tito Sotto ang mga tanong ng mga reporter hinggil sa divorce bill sa isang ambush interview sa Senado. Tanging ang Pilipinas lamang sa buong mundo ang walang batas sa diborsiyo.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Haharangin ni Senator Joel Villanueva ang panukalang batas na naglalayong maging legal ang diborsiyo sa Pilipinas.

Tiniyak ni Villanueva na gagawin ang lahat para hindi maging batas ang panukala na inihain ni Senator Risa Hontiveros.

Idinagdag ni Villanueva na hindi dapat basta-basta paghiwalayin ang mag asawa at dapat ma­ging parte ang bawat isa ng solusyon sa pagbuo ng pamilya.

Tiniyak din ni Villanueva na kokontrahin ng CIBAC party-list ang divorce bill sa House of Representatives.

Ipinunto rin ni Villanueva na sa ngayon ay madali ang magpa-annul ng kasal para sa mga mayayaman pero napakahirap at matagal ang proseso para sa mga mahihirap.

Pabor si Villanueva na maging pantay ang proseso ng annulment para sa mga mahihirap at mayaman.

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with