^

Bansa

House probe sa bakal nakaamba

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
House probe sa bakal nakaamba
Sinabi ni Atienza na mayroong mga talentadong Pinoy na arkitekto at structural engineers subalit ang problema ay ang umano’y korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno at local go­vernment units na res­ponsable sa pag-iisyu ng building permits at ang pagsunod sa national building codes.

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Buhay Party List Rep. Lito Atienza sa Kamara ang umano’y pagsalu­ngat ng government regulatory agencies at mga local na gumagawa ng bakal para baguhin ang tamang standards ng mga steel products na ginagamit sa konstruksyon ng commercial at high rise building sa bansa.

Sinabi ni Atienza na mayroong mga talentadong Pinoy na arkitekto at structural engineers subalit ang problema ay ang umano’y korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno at local go­vernment units na res­ponsable sa pag-iisyu ng building permits at ang pagsunod sa national building codes.

Naniniwala ang kongresista na ang local steel makers ay hindi lumalabag sa batas na may kinalaman sa ma­nufacturing steel pro­ducts subalit ang pagkikipagsabwatan umano sa mga ahensiya ng gobyerno para pumasa ang grade 40 steel bars sa grade 60 ang lubha umanong nakakabahala.

Giit pa ni Atienza na maraming buhay ang nasa peligro lalo na at nasa seismic area ang Pilipinas kaya wala dapat na shortcut at ang mga gumagawa ng bakal ay dapat sumunod sa international steel standards.

Sa pag-aaral ni Engineer Emilio Morales, dating chairman ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP), binanggit niya ang tunay na panganib dahil sa quenched tempering o QT process kung saan na-ban na ang paggamit nito sa mga bansang China at Taiwan.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with