^

Bansa

Tapyas sa termino kinontra sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tapyas sa termino kinontra sa Senado
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kailangang amiyendahan ang Konstitusyon para mang­yari ang gusto ni Rodriguez.
File Photo

MANILA, Philippines — Tutol ang ilang senador sa House Concurrent Reso­lution No. 1 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na paikliin ang termino ng mga senador at palawigin ang termino ng mga kongresista.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kailangang amiyendahan ang Konstitusyon para mang­yari ang gusto ni Rodriguez.

 Hindi aniya sapat ang pagpasa ng isang resolus­yon para mabago ang termino ng mga mambabatas sa Senado at Kamara.

Sinabi rin ni Drilon na haharangin ng minority bloc ang anumang banta na baguhin ang Konstitusyon.

Maging si Sen. Bong Go ay hindi pabor sa panukala na hindi naman umano makikinabang ang taumbayan.

Naniniwala rin si Go na walang senador na papa­yag na mabawasan ang kanilang termino.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, hindi dapat pinag-iinitan ang Senado lalo pa’t mas maganda ang performance nila kaysa sa rating ng House of Representatives.

Hindi naman sineryoso ni Sen. Imee Marcos ang resolusyon ni Rodriguez at sinabi lang nito na “pilyo talaga” ang kongresista.

vuukle comment

RUFUS RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with