^

Bansa

Revilla: Maling pagpaparatang ng 'plunder' bitay dapat ang parusa

James Relativo - Philstar.com
Revilla: Maling pagpaparatang ng 'plunder' bitay dapat ang parusa
Disyembre noong 2018 nang iabsweldo ng Sandiganbayan First Division si Bong Revilla sa plunder case kaugnay ng pork barrel scam.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Sinegundahan ni Sen. Ramon "Bong" Revilla ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen matapos ang ika-apat na State of the Nation Address ng presidente kahapon.

"I personally support the president's call to reinstate capital punishment for offenses related to drugs and plunder," sabi ni Revilla sa isang pahayag Martes.

(Personal kong sinusuportahan ang nais ng presidente na maibalik ang capital punishment para sa mga paglabag na may kinalaman sa iligal na droga at pandarambong.)

Pero hindi riyan natapos ang nais ng senador.

Gusto rin kasi niyang maparusahan ang mga mali-maling pagkakaso ng plunder sa mga walang kasalanan.

"Dadagan ko lang na dapat may parusa rin na kamatayan for those who falsely and maliciously accuse other of these offenses (para doon sa mga gumagamit ng kasong ito sa malisiyosong paraan)," dagdag niya.

Disyembre noong 2018 nang iabsweldo ng Sandiganbayan First Division si Revilla sa plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Inakusahan kasi si Revilla ng pagtanggap ng P224.5 milyong "kickback" kapalit ng paglalaan diumano ng kanyang Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organization.

Sa 186-pahinang desisyon ng First Division, sinabi nilang direktang walang nalalaman o pagpayag si Revilla tungkol sa krimen kahit na maanomalya ang transaksyon sa mga nabanggit na NGO.

Gayunpaman, ipinasasaoli sa kanya sa National Treasury ang halagang P124.5 milyon.

Muling nanalo sa pagkasenador si Revilla, na isa ring aktor, sa katatapos lang na 2019 midterm elections sa ika-11 pwesto.

"Iba yung pakiramdam. I feel vindicated (Pakiramdam ko napatunayan ko ang sarili). Masaya ako pero nandoon na nagfa-flashback pa din yung mga nangyari na. Lahat ng ito may purpose... why I’m back again (kung bakit ako nakabalik)," sabi niya kahapon sa pagbubukas ng 18th Congress. — may mga ulat mula sa News5 at kay Rosette Adel

vuukle comment

DEATH PENALTY

PLUNDER

RAMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with