SSS may opisina na sa New York
MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan ng Social Security System (SSS) ang sangay nito sa New York alinsunod sa tungkulin ng ahensya na siguruhin ang karapatan sa social security ng mga Pinoy na nasa abroad
Matatagpuan ang SSS New York sa The Philippine Center sa 556 Fifth Avenue kasama ang Philippine Consulate General (PCG) sa New York at iba pang ahensya ng gobyerno. Ito ang ika-27 tanggapan ng SSS sa labas ng bansa.
Bukas ang SSS New York mula Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ang Philippine Natio-nal Bank, Ventaja, at Lucky Money Inc. Sa New York ang tatanggap ng monthly contribution ng mga miyembro doon.
- Latest