^

Bansa

Tubig sa Angat, tumaas na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tubig sa Angat, tumaas na
Sa ulat ng PAGASA-dam monitoring department, umabot na kahapon ng umaga sa 161.35 meters ang water level sa Angat dam, mas mataas sa 160.16 meters noong Biyernes ng umaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakawala na sa critical level na 160 meters ang tubig sa Angat dam sa Bulacan.

Sa ulat ng PAGASA-dam monitoring department, umabot na kahapon ng umaga sa 161.35 meters ang water level sa Angat dam, mas mataas sa 160.16 meters noong Biyernes ng umaga.

Patuloy ang pagtaas ng water level sa Angat dulot ng ulan na dala ng bagyong Goring, ng bagong LPA at ng habagat na sumadsad na sa Angat watershed.

Bunga nito, maiibsan na ang mahabang oras ng water interruption na ipinatutupad ng Manila Water at Maynilad Water sa kanilang consumers sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sinasabing oras na pumalo na sa average na 180 meters ang water level sa Angat dam, asahan na ang maayos na daloy ng tubig sa MM.

Ang Angat dam ang pinagkukunan ng 90 percent ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Dahil sa mga dalang ulan ng iba’t ibang weather disturbances na pumapasok sa bansa, asahan na anya ang unti-unting pagbuti ng suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila.    

vuukle comment

ANGAT DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with