Cayetano alanganin pa ang Speakership
MANILA, Philippines — Nasa alanganin pa umano ang speakership ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano dahil sa kontrobersiya sa 2019 Southeast Asian Games at ang mungkahing palawigin ang termino ng mga congressman.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RP-Mission and Development Foundation Inc. at kilalang political analyst, maaaring mawala ang kumpiyansa ng mga ito kay Cayetano dahil sa pagkakadawit nito sa umano’y overpriced hosting ng 30th SEA Games nang iupo niya ang apat na malalapit na kaibigan bilang board of directors ng Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee Foundation Inc. (Phisgoc).
Iniupo umano ni Cayetano, bilang chairman ng Phisgoc, ang kababata at kaeskwela na si Donaldo Caringal,; PE teacher na si Ramon Suzara; family friend Monica Ann Mitra; at graphic artist sa Taguig City Hall na si Dexter Estacio na isa umanong malinaw na conflict of interest.
Pinuna din ang panukala ni Cayetano na pahabain ang termino ng mga kongresista sa 4 taon ng walang term limits mula ?sa 3 taon, o 5 years na may term limits, na aniya’y isang “self-serving form of legislation.”
- Latest