^

Bansa

Karapatan ng drug suspects respetuhin, sabi ni Mayor Isko

James Relativo - Philstar.com
Karapatan ng drug suspects respetuhin, sabi ni Mayor Isko
Kuha ni Manila Mayor Isko Moreno sa Philippine Mayors' Convention.
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Nanindigan si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso na magiging matigas ang kanyang pamamahala laban sa pagkalat ng iligal na droga sa kanilang lungsod, ngunit 'di raw nila sasagasaan ang karapatang pantao ng mga akusado sa pagpapatupad nito.

'Yan ay kahit nauna na siyang nagpahayag ng suporta sa gera kontra droga na ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

"Ang sabi ko simple lang: Habulin lahat ang nagbebenta ng droga," sabi niya kaninang umaga sa tanggapan ng National Press Club.

Aniya, wala raw lugar ang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod ng Maynila.

Pero ang mga nasasakupan niyang alagad ng batas, hindi naman daw libreng mang-abuso tuwing may nalalambat sa mga operasyon: "Igalang ang karapatang pantao. Nino? Ng mga suspek," kanyang paliwanag.

Pinaalalahanan din niya ang gobyerno sa tungkulin nitong bigyan ng akmang rehabilitasyon ang mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

"Gamutin, tulungan ng estado ang mga biktima ng mga nagtitinda ng droga. Ito 'yung mga adik. 'Yung mga tamang hinala. Gamutin, kalingain ng estado, ng siyudad," paliwanag niya.

Taong 2016 nang sabihin ni Duterte na wala nang pag-asa ang mga na-adik na sa shabu, kung kaya't mas mainam daw na patayin na lang ang mga lulong na.

"The problem is once you're addicted to shabu, rehabilitation is no longer a viable option," sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Cebu noong ika-25 ng Hunyo nang taong 'yon.

(Ang problema, kapag na-adik ka na sa shabu, wala nang magagawa ang rehabilitasyon.)

"If I couldn't convince you to stop, I'll have you killed (Kung 'di kita mapipigilan sa paggamit, ipapapatay kita.)

'Manlalaban' papuputukan pa rin

Bagama't hindi raw nila mapipigilan nang tuluyan ang mga nangyayaring krimen at patayan, ito na raw ang nais nilang maiambag.

Gayunpaman, tungkulin pa rin daw ng pulisiya na ipagtanggol ang sarili sa oras ng kagipitan: "[M]eron ding mga mahal sa buhay ang mga 'yan," wika ni Isko.

"Kung nailagay sila sa sitwasyong alanganin, bagay na dapat naman nilang proteksyunan ang sarili nila."

Humaharap ngayon sa batikos ang pamahalaan ni Duterte dahil sa dami ng namamatay sa kampanya simula pa 2016, na umabot na raw ng 27,000 ayon sa Commission on Human Rights.

Malayo ito sa bilang na inilabas ng gobyerno kahapon, na aabot lamang sa 5,526.

Inirerekomenda na ngayon ng United Nations Human Rights Council ang pagsilip ng estado ng karapatang pantao sa bansa bunsod ng mga bilang.

vuukle comment

HUMAN RIGHTS

ISKO MORENO

MANILA CITY

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with