^

Bansa

Bumaba? Patay sa 'drug war' 5,526 na lang, sabi ng PNP

James Relativo - Philstar.com
Bumaba? Patay sa 'drug war' 5,526 na lang, sabi ng PNP
Aabot ng 1,074 ang naiawas sa datos na inilabas nitong Hunyo sa inilabas kahapon.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Nabawasan ang opisyal na bilang ng mga namamatay sa madugong "gera kontra droga" ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos sabihin ng Philippine National Police na 5,526 na lang ito.

'Yan at kahit na umabot na ng 6,600 ang death toll na inilabas ng PNP noong Hunyo.

Aabot ng 1,074 ang diperensya ng dalawang magkaibang datos.

Saklaw ng 6,600 na bilang ang mga namatay simula ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang ika-31 ng Mayo 2019.

Sakop naman ng 5,526 na bilang ang mga namatay simula ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang ika-30 ng Hunyo.

Malayo ang dalawa sa inilabas na tantya ng Commission on Human Rights noong Disyembre 2018, na posibleng umabot na raw ng 27,000 sa panayam ng ABS-CBN.

Una nang tinawag ni Foreign Affairs Secretary Tedoro Locsin Jr. na "fiction" o gawa-gawa ang bilang na 27,000.

Sa 2018 Fourth Quarter Survey na inilabas ng Social Weather Stations, lumabas na 28% ng mga Pilipino ang naniniwala sa PNP na "nanlaban" ang mga drug suspects, habang 28% ang hindi naniniwala. Pinakamalaki naman ang "undecided" o hindi sigurado kung nagsasabi ng totoo ang mga pulis sa 44%.

Kaugnay ng mga nagtataasang bilang ng mga namatay sa drug operations, nakatakdang maghanda ng "comprehensive review" si United Nations human rights chief Michelle Bachelet tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Discrepancy 'dulot ng verification'

Inilabas ang mga panibagong bilang sa "Real Numbers" press conference na isinagawa ng Presidential Communications Operations Office Huwebes.

Minaliit naman ng gobyerno ang isyu ng pagkakaiba sa June at July data, at sinabing validated na bilang na ang bago at mas maliit na mga numero.

"Whatever the discrepancy is, I think that it is not easy to review the folders one by one and confirm that it is an anti-drug operation," paliwanag ni Police Lt.Col. Kimberly Molitas, PNP deputy spokesperson.

(Anumang pagkakaiba, tingin ko hindi gaanoon kadali para siliping muli ang mga folder isa-isa at kumpirmahing anti-drug operation ngayon iyon.)

Ayon naman kay Marie Rafael Banaag, assistant secretary ng PCOO, napupunta muna ang lahat sa PNP.

Pagkatapos nito, ipadadala naman daw ito sa Philippine Drug Enforcement Agency bago masilip isa-isa ang mga tala.

"May pangalan, ito ba ay sa illegal drugs talaga? So it's taking time for us, for PDEA of course, to validate (Kaya natatagalan kami, ang PDEA, para siguruhin ang bilang)," ani Rafael.

Umabot ng 134,583 ang mga naipatupad na anti-drug operations sa nasabing time frame, habang 193,086 naman ang naaresto.

Kaugnay ng mga pagpaslang, inihain ni Sen. Leila de Lima ang Senate Bill 371, o "EJK bill," upang tuluyan nang mabigyan ng pakahulugan ang extrajudicial killings at mapanagot ang mga nasa likod ng mga pagpatay.

vuukle comment

DEATH TOLL

UNITED NATIONS

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with